To be followed the mail's part.
Happy reading!
Wow! First day of class, I’m so excited. First time in college. I hope it turn well.
Una kong nakilala tong sina Michie at Ann. Mababait sila. We’re on our gymn, PE kasi agad ang first class namin that day. As usual, sinabi ang mga rules and regulations,Pakilanlan and so on and so forth.
Then that one man caught my attention..
“Hi I’m Narby ////////. Wala akong maipagmamalaki kundi ang sarili ko. Kung ano kasi ako, yun nay un. I hope maging maayos ang samahan natin dito guys.”
Then to my unconsciousness, napapalakpak pala ako dala ng pagkahanga sa kanyang introduction.
He stared at me, then I smiled back.
Owwwwh mhaaaayyyyyyy! Parang lumundag ang puso ko.
I don’t know what’s really going on, it was the first time I felt this way.
Yun bang first meeting nyo tapos may ganon kagad?
Well..
As days passed by, I found out na rin kung anong sagot sa tanong ko.
Damn! I’m starting to have a crush on him.
Kilig to the max when he added me up sa facebook.
I’m the one who initiated the first ever conversation.
Hi hi, kamustahan, kulitan and so on.
Mga ganon lang for about a week..
Then he chatted me saying, hey! Narinig kitang kumanta kanina ah? Bukas kanta ka ulit.
Then, I was like.. hhhhhmmmmmm wwwwwwwhhhhhhhhhhhhaaaaaaattttt??? He liked my voice. As in???!
I tried to calm down, then I replied and teased him,
“Yoko nga. Dapat duet tayo.”
Then after all of pangungulits. (madami eh) he finally said, “Oo na. Kahit nahihiya ako basta kumanta ka lang.”
That was the most mind blowing moment of my life, eh ikaw ba naman makachat mo ang crush na crush mo tapos sabihin ka ng ganon?
Talagang mapapaangat ka sa kinauupuan mo..
But I did the most regretful part in my life.
Kinuwento ko sa isa kong classmate yung about sa feelings ko sa kanya. The magic he brought in me. Kaso sabit eh..
One time, we had our activity na nagkataong partners kami.. Indeed I tried to act usual. Syempre alangang magpakita ako ng motibo? Di patay na.
Then that bitch said, “Uey how nice. You two are partners. Dream come true yan. Diba crush mo si Narby?”
Then suddenly, the whole class heard it clearly..
Shit! I don’t know how to react.. Babae lang ako, hindi ko naiwasang magblush which made me obvious.
Sobrang tukso ang inabot namin noon, even our professor nakikisali na rin.
He walked away without saying a word.
in a word, he looked for another partner.
I was left there alone..
Shit naman! Panira moment…
I felt so bad about what just happened.
Kinda tampo rin sa bitch ay este girl na pinagsabihan ko. She’s worth to trust naman kaso pag-umiral na ang kadaldalan which is hirap siyang i-control, patay na..
Kahit ganon, I caught him glancing at me.
Sabi ko nga sa sarili ko, “ano ba tong lalakeng to? Peste! May gusto ka ba sakin? Bat hindi mo sabihin? Gusto rin kita tangga!”
Pero mukhang mali ako eh..
Yung Pagchachat namin, nawala na..
Naalala ko tuloy yung huling chat namin, he even said that, I’m beautiful. I might not admit it daw but it’s true. Yun yung nakikita niya…
Damn! Tears are pouring in to my eyes..
Bakit ganito? I asked myself.
Who the hell is that guy para iyakan mo?
Mahal mo na ba siya?
Hindi ka nga pinapansin diba?
Puro tingin, puro pacute, hindi magpakalalake..
Tama lahat yun! We never really talked.
Kahit may pagkakataon naman..
Dito lagi ginagawa sa bahay ang practice namin for PE. Malaki daw kasi at malawak.
The hell, lagi kong nagiging kagrupo yung ungoy nay un..
Ang sakit sakit lang dedmahin ng taong gusto mo..
Para kang isang pasyenteng nag50-50 na pero hinayaan ka lang hanggang sa mamatay..
Ganon yun!!!
I’m so bothered, I put all my guts and nerves to chat with him, I asked if he’s mad at me,
Hindi daw.
Kung ilang siya sa tuksuhang ginagawa samin,
Hindi rin daw.
Leche! Pero bakit siya ganon?
Hindi ko na alam kung anong pwede ko pang itanong para malaman kung bakit siya nagkakaganon..
Kasalanan ko bang mafall sa kanya?
I didn’t tend to be like this kung alam ko lang na masasaktan ako..
Then I realized,
Pucha! Mahal ko na tong mokong na to!
Kaso wala eh..
Pero bakit ganon?
Kahit nung umpisa palang na alam kong pointless to at isang big shitty lang itong gusot na pinasukan ko,
Kahit ilang beses kong sinubukang kumawala,
Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.
Mhhhhhhhyyyyyy Gallii! What did this man had done to made me feel crazy for him?
Ginayuma yata ako nito eh.
Kaso naalala ko, wala naman kahit anong ipinakain o ipinainom yun kaya papanong mangyayari yun?
Matatapos na noon ang sem, wala.
Wala pa rin talaga..
Dumating pa nga sa point na pinagsisihan kong nagging babae ako eh,
“Dapat nagging lalake nalang ako. Para hindi masagwa kung ako ang manligaw. Sinisigurado kong hindi siya aayaw.”
“Ang hirap maging babae,
Kung torpe yung lalaki,
Kahit may gusto ka... di mo masabi,
Hindi ako yung tipong nagbibigay motibo,
Conservative ako kaya di maaari,
At kahit mahal kita.... Wala akong magagawa,
Kung torpe yung lalaki,
Kahit may gusto ka... di mo masabi,
Hindi ako yung tipong nagbibigay motibo,
Conservative ako kaya di maaari,
At kahit mahal kita.... Wala akong magagawa,
Tangap ko oh aking sinta, pangarap lang kita..”
Damn! Yun nalang ang nasa isip ko.
Wala naman talaga eh.
Hindi naman siya manhid para hindi to maramdaman diba?
Lahat na yata ng pagpaparamdam ginawa ko, syempre except sa pag-amin ng personal..
Sa bawat status ko sa ym at fb, sa mga kilos ko,..
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya.
Gusto ko siyang alagaan, mahalin.. Kaso.. Kaso may kaso eh..
Wala naman siyang pakealam!
Bato bato sa langit, pero totoo eh..
:::::::::::
Minsan walang tao dito sa bahay, may practice kami nun, pero hindi pa tapos ang practice nagkakantyawan ng mag-inuman.
Hindi ako umiinom kaya hindi nila ako kaagad napapayag.
Pero makulit talaga sila eh..
I found myself na naka-oo na pala..
Ba loko tong mga to. Ready na pala, akala ko magpapabili pa.
Vodka ang trip nila. Mga ilang bote rin yun at may dala dala na rin silang pang mixed dito.
Nagluto na rin si Carra, (kaklase namin( ng kanilang ipangpupulutan.
Itlog, ham at bacon ang trip ng mga to.
Noong una ay pumasok na lamang ako sa kwarto kasi feeling ko ma o-op ako.
Pero may kumatok, pinagbuksan ko at what the! Si Narby..
“Oh yes?”
“Pinapalabas ka nila. Wag ka daw KJ. Tara na!”
Grabe! Wagas makahila sa kamay ko. Pero in fairness masarap! Haha! First time yun.
So ano pa ba? Paglabas namin, trip nanaman kami ng mga to.
Sari-saring kantyaw nanaman.
Then I noticed, uminom si Narby.
Alam ko hindi rin naman masyadong umiinom yun. Walang bisyo, hindi naninigarilyo, san ka pa? Iilan na lang sila dito sa mundo..
Isa yun sa mga trates na nagustuhan ko sa kanya.
Genius pa, akalain mo kahit pa-scan scan lang ng mga notes, laging nagta-top every exam namin. Take note computer related pa yun kaya medyo mahirap.
Anyway, back to the story,
Matapos yung anim na oras na inuman nila, Pansin ko isa isa na silang bagsak, tulog na yung iba at yung mga kaya pa namang umuwi ay umuwi na rin..
Si Narby nalang yung natirang gising, eh konti lang pala yung ininom nung loko.
I was about to fixed the table na sana para magligpit, then he suddenly embraced me at my back.
Then pagharap ko, he kissed me passionately.
Super shocked ako noon at para akong statwang hindi makakilos.
I so love that pero may pagkalito at the back of my mind.
Pinabayaan ko na lang.
At least sabi ko nakakiss..
Hindi ako nakatiis, gumanti na rin ako, we’re French kissing now.
Huuuuuuuh! It feels so good.
Ang galing niyang humalik.
Ang sarap!
Then, suddenly a tears fall down to my chicks, he just looked at me then I said, “Narby, I love you this much! I’ve try to neglect it but I can’t.”
Hindi man lang siya sumagot bagkus, itinuloy niya kung anong ginagawa niya..
Binuhat niya ako, nagtungo kami sa aking kwarto. At noong makarating na kami ay dahan-dahan akong inilipag sa kama na para ba niyang prinsesa..
Noon ay nagkatitigan kaming daalawa. Nasa isip ko lang noon ay napaka swerte ko, ngayon eto at pinansin na rin niya ako..
::::::::::
Oo, may nangyari sa aming dalawa.
That was the most memorable night ever.
To give your all to the one you really love.
It feels so good.
I don’t know if I’m dreaming or what, all I know is if it’s only that, ayoko ng magising pa..
:::::
Natulog kaming parehas nang magkatabi, magkayakap. God, sana hindi na to matapos. Mahal na mahal ko itong lalakeng to. It’s not just sex, I do love him kaya ako pumayag. Sana wala akong pagsisihan sa bandang huli…
::::::
Pagkagising ko kinabukasan, wala na si Narby sa tabi ko.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina Ervin at Joey na lamang ang natira roon.”Oh nasan na yung iba?”
“Umuwi na kani-kanina lang. Hinintay ka lang naming magising para magpasalamat. At tsaka ikaw lang tao dito tapos iiwan naming bukas yung bahay nyo?”
“Salamat. Sige okay na ko dito. Babalik na rin yung mga yun mamayang hapon.”
“Chary, ang ganda ganda mo. Ang bait bait mo pa. Ewan ko ba dito kay Narby kung bakit daig pa ang babae sa pagpapakipot. Hindi naman bakla. Naku kung ako sa kanya hinding-hindi kita papakawalan.” Siryosong sabi naman ni ervin.
Yumakap na ang dalawa sa akin at agad ng nagpaalam..
Kinabukasan sa school, Excited akong pumasok. Maganda ang feeling ko ngayon, sana… Sana matupad na ang matagal kong hinihiling..
Aba at wala pa si Narby. Halos mag-uumpisa na noon ang klase namin sa Ethics.
Speaking of the angel, nanjan na siya..
“Good morning sir! Sorry I’m late.” Bati niya.
“That’s okay Mr. A///////. You just sit there beside Ms. M//////.”
At biglang nag-ingay ang buong klase.
Wwoooooohooooohhhhh!
Halatang nainis ang aming guro kaya nanahimik na lamang sila.
Ako nama’y hindi mapakali.
Gustong-gusto ko ng kausapin tong katabi ko na hindi man lang lumilingon sakin.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at nasabing, “gago ka!”
Effective! Lumingon na din ang loko. “MMM, ngayon ko lang narinig na magmura ka ah? Teka sinong minumura mo?”
“Ikaw tangga.”
Biglang napalingon noon ang aming guro. Mabuti na lang hindi nya nahanap kung saan nagmumula ang ingay..
Pagkatapos ng klase, nagmamadali na siyang umuwi.
Nagkataong kaming dalawa na lang ang naiwan dun dahil nautusan ako.
Siya? Ewan ko. Hinintay yata ako pero eto’t nagmamadali ng umalis.
Bigla kong nasampal ang loko..
Pakkkkkkkk!!!
“Aray! Anong problema mo?”
“Ikaw. Anong tingin mo sa ginawa mo?”
“Wala. Wala akong ginagawa.”
“Yung nangyari satin ano yun? Dala lang ng kalibugan dahil lasing ka? Sinamantala mo ako dahil alam mong mahal kita? Ang tangga tangga ko rin eh! Akala ko.. uhhhhhh! Huhuhuhuhu!” Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko noon.
Samantalang siya, walang reaksyon. Naka titig lang sa akin.
“You’re shit! Ang manhid manhid mo. All this time hindi mo mapansing mahal na mahal kita. I gave my all for a thought na baka sakali.. Pero ano? Katawan ko lang. Nag-init ka lang. How dare you!!!!!!!? I,HATE, YOU!!!!”
Simula noon ay hindi ko na siya pinansin.
I tried so hard. Ang hirap sa una. Pero kapag naisip ko kung pano ako napaglaruan ng sarili kong damdamin, damn I felt shit.
Tired, scared, unappreciated, unaccepted, misunderstood, unloved, heartbroken...Yup, this is how I feel right now..
One thing worst than getting cheated on is being neglected and unappreciated.. I can’t! This can’t be!!
Nagkaron na ako ng dahilan para hindi ka mahalin pa.
Ayoko na!
Mahirap pero kailangan…
:::::
Sometimes you have to forget what you feel and remember what you deserve.
Sa una, , hinahanap-hanap ko pa rin sya.
Palihim na tinitignan siya sa malayo.
Pero masakit talaga eh!
Oras, araw, buwan ang nagdaan,
Binuksan ko ang puso ko para sa iba, nagpaligaw ako.
Gladly I found someone na tangap ako.
Willing akong mahalin kung sino at ano ako.
Bago ko siya sagutin ay alam ko sa sarili kong wala na akong nararamdaman pa para kay Narby.
I’m ready now to love again.
And this time, dun sa taong kaya akong pahalagahan. Yung taong kayang hawakan ang mga kamay ko, titigan ako sa mata at sabihing, “Mahal na mahal kita!”
No comments:
Post a Comment