Nakuha ang atensyon ko.
Napansin ko lang kasi bihira na ito sa ganitong panahon eh.
Girls din kasi, easy to get na. Msakit na katotohanan.
Share ko lang din sainyo to, sana ma-motivate kayo. Hindi ito corny para sa mga "TOTOONG UMIIBIG"
Try this para hindi kayo reklamo ng reklamong niloloko kayo.
Kilatisin nyo muna kasi ang isang tao, wag basta basta bumigay...
It takes time, kung kayo edi kayo.
Dapat pinaghihirapan hindi puro reklamo..
Wag din naman magpapaasa girls, masakit yun for the boys..
Oh eto na nga ang kwento:
Grade 6 kami nun. Sobrang wala akong kaalam-alam sa kung papaano manligaw. Wala talaga. Ang alam ko sa ligaw ay pagtetext ng kung ano anong mushy na bagay sa isang tao. Uso pa nun ang 5110 at 3210. Laking lungsod kasi ako. Wala pa akong actual na nakikitang manligaw at hindi rin naman ako natuturuan kasi wala akong kuya o tatay na magtuturo.
Dapat daw kinakantahan sila, binibigyan ng bulaklak sa harap ng maraming tao, ng mahal na tsokolate (kasi ibig daw sabihin nun mahal mo sila).
Kaya naman, nung araw na yun, dumaan ako sa isang kumbaga masusuing crash course sa kung ano ang ligaw.
“Syempre kailangang magpaalam ka muna.”
So kailangan palang magpaalam. Ang pagpapaalam sa magulang ng liligawan mo ay tanda ng respeto. Mas maganda ang dating sa mga magulang/kapatid/kamag-anak ng liligawan mo kung magpapaalam ka sa kanila. Nirerespeto mo ang opinyon nila at ginagalang mo ang mga magiging disisyon nila tungkol sa bagay na yun. Sa ganitong paraan makikita ng liligawan mo at ng mga magulang/kapatid/kamag-anak nya kung dinidiskartehan mo lang ba sya o kung talagang siryoso ka.
“Pare kung mahal mo kasi ang isang tao dapat hinahandugan mo din ng mga bagay bagay. Kumuha ka ng rose dun sa garden sa labas tas bigay mo sa kanya sa harap ng maraming tao.”
Ang pagbibigay kasi ay parang pagpapakita ng mga bagay na kaya mong ibigay sa nililigawan mo. Parang mga Diyos sila na inaalayan mo ng mga pagkain o kung ano man para makuha mo ang kanilang pabor.
“Heto pa! Diba maganda boses mo?! Ano puntahan na naten mamaya! Haranahin naten!”
Sabi ko nun sa sarili ko, ‘grabe mas-agresibo ba ang lalaking ito na manligaw kaysa sa akin’. Parte daw ng panliligaw ang pang-haharana. Yun yung pupuntahan mo yung bahay na tinutuluyan ng minamahal mo tapos kakantahan mo sya. Madalas kasama mo ang barkada mo at tutugtog sila habang kumakanta ka. Napaka importante ng harana kasi kung nasa bahay nila nakatira ang nililigawan mo, nakikita ng pamilya ng nililigawan mo na seryoso ka nga talaga sa anak/kapatid/kamag-anak nila. Wala na kasing masyadong gumagawa ng harana ngayon. Sabi nga ni Chito diba? Uso pa ba ang harana. Maganda rin kapag maganda talaga boses mo kasi dagdag yun kumbaga sa puntos mo sa kanya.
“Tas malaki ka pa! Tamang tama yan! Pagsilbihan mo sila!”
‘Whoa! Pagsisilbi?!’ Sabi ko nun sa sarili ko. Grabe talaga. 12 or 13 palang ako nun, naisip ko. Kailangan bang iniisip ko na itong gawin. Naalala ko tuloy si Rovic sa ‘Tabing-ilog’ nung pinag-igib nya yung mga magulang ni Kaye Abad. Hindi ko kaya yung ganung kabigat na trabaho. Sa bahay nga paglalampaso lang ng sahig nahihirapan na ako mag-igib pa kaya. Ang pagsisilbi na siguro ang pinaka-matrabaho sa lahat ng mga proseso ng panliligaw. Kailangan kasi na makita ng mga magulang ng nililigawan mo na meron kang lakas para itaguyod ang anak nila at ang pamilya nyo kung magiging kayo. Isa syang paraan para mahuli mo ang kiliti ng mga pamilya at kamag-anak ng nililigawan mo.Kung sa Amerika kasi ang panliligaw ay one-on-one, tipong lalaki-babae, lalaki-lalaki, babae-babae lang, dito one-on-one+X kung saan ang [X] ay ang dami ng tao sa pamilya ng nililigawan mo na nakakaalam na nanliligaw ka. Kailangan mo kasing makuha ang loob ng mga tao sa paligid ng nililigawan mo. Madalas nga pati kaibigan niya kailangan mo ring ligawan. Pwede ka kasi nilang ireto sa nililigawan mo kapag nahuli mo na ang mga bagay na gusto nila.
“Alam mo kapag nagawa mo to ng tama! Everybody happy!!”
Hmmm… sabi ko nun. Nang tama? Ibig sabihin pwede kang may maling magawa kahit sinunod mo lahat ng mga payo nya?
“Kailangan pakiramdaman mo ang sitwasyon. Dapat alam mo kung ano na kayo o kung may patutunguhan ba o kung nadali mo na! Hindi madali ang manligaw. Oo alam ko yun. Pero maganda rin ito para sayo kasi susubukin nito ang tibay at lakas ng loob mo.”
Isang magandang panukat ng pagkatao ang galing sa panliligaw. Kung gaano ka kabilis makakuha ng loob ng ibang tao. Kung gaano ka kagaling makiramdam sa paligad at sa mga tao. Kung gaano mo kadaling naisagawa ang mga proseso ng panliligaw at kung maganda ba ang pagkakagawa mo sa mga ito. Malalaman mo rin ang hangganan at sarili mong kakayahan dahil dito. Kung meron kang lakas ng loob na ipagpaalam ang nililigawan mo dahil itetreat mo sya sa labas, o kung gaano katibay ang loob mo sa pagharap ng mga pagsubok na ihahain sayo ng kabilang panig na sobrang gusto mong maging kabilang dahil sa taong sinisinta mo. Sa huli nasabi ko kay Vincent ito.
“Bro, ang galing mo! Pwede bang ikaw manligaw para saken?”
At pagkatapos ng ilang segundong pagtingin sa akin sinabihan nya ako ng:
“Baliw ka ba?! (sabay batok) Kung hindi ikaw ang gagawa wala rin dahil walang ibang taong mas kayang ihain ang sarili mo kundi ikaw lang!”
Isa itong bagay na kailangang ilagay mo ang sarili mo. Hindi maaaring ibang tao ang gumawa nito dahil kailangan na ikaw ang makipagkapwa sa kanila. Kapag iba ang gumawa malamang iba ang magugustuhan at iba ang magiging resulta sa inaasahan mo.
Hindi ako naging matagumpay sa unang panliligaw ko. Pero ngayon na nagtagumpay na ako alam ko na ngayon ang pakiramdam na para kang tumama sa lotto. Sobrang saya na sobrang nakakaiyak na ewan. Sobrang sarap at ang ganda ng epekto sa sarili. Nakakapagpaganda ng pakiramdam at makakapagpagaan ng loob. Parang sasabog ang puso mo. Kayo try nyo rin. Hindi lang kayo magbabago dahil sa panliligaw, magiging ibang tao kayo pagkatapos.."
Credits kay Waru.. :D
Salamat sa pagbabasa!
„AbbieBirthday„
No comments:
Post a Comment