Be sure you read the first part for you to follow this story..
Happy reading!
First day of our college life.
Dude! Medyo kabado pero yaka to.
Hassle naman! PE pa kaagad ang first class. Bakit pa kasi kailangan ng PE sa pag-aaral?
As always, sinabi lang sa amin ang kailangan naming gawin the whole sem. Boring!
Pero nakakatuwa, merong isang babae na napa-palakpak sa way ng pagpapakilala ko kanina.
I never expected that. At least I know may sense pa pala ako.
I stared at her, matangkad, maganda, mukhang mabait, wow!
What a great start.
Pero ano ba? Nandito ako para mag-aral. Focus na muna.
One time narinig kong may kumakanta, sa pagkaka-alala ko, sana’y ako nalang yata ang title nun?
“Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala ay ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana’y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana’y ako nalang…”
Ang damdamin ay hindi mapigilan
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala ay ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana’y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana’y ako nalang…”
Nak ng tokwa. Ang ganda ng boses. Kinalabit ko agad yung katabi ko. “pssst pre! Anong pangalan nung kumakanta?”
“Pare si Chary yan.”
Hmmm, ang galing lang. Ang sarap siguro nitong maging kaibigan.
Super impressed ako sa kanya, hinanap ko agad siya sa fb. Luckily nahanap ko naman at inadd ko.
Wala pang 5 minutes inaccept na ako.
Nagkwentuhan kami, tanungan at kung ano ano.
Diterminado akong mapakanta siya ulit..
Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari, may activity kami noon sa isa naming subject, partners kami ni Chary.
Hindi ko inasahan yung sinabi ng kaibigan niya na may gusto daw sakin si Chary.
Sa gulat ko at pagkapahiya humanap nalang ako ng ibang kapareha.
Alam ko ang sama ng ginawa ko pero nailang ako that time eh.
Lahat kasi ng mga classmates namin tinutukso kami sa isa’t isa pati prof namin.
Umiiwas lang ako sa issue..
Di ko maiwasang mapatingin sa kanya, maganda siya talaga eh.
Kahit sinong lalake gugustuhin siya pero ako?
Ewan ko. Gusto ko lang muna sigurong makipagkaibigan sa kanya kaso naunahan na ng hiya. Magkakamalisya na kasi ngayon ang pakikipagkaibigan ko eh.
Pano kung totoo yun na gusto niya ako? Ewan ko..
Umiwas nalang ako.
Yung pagchachat namin tuwing online ako ay iniwasan ko na.
Kahit sa school at sa bahay nila, iniiwasan kong makipag-usap sa kanya.
Pero pag alam kong hindi siya nakatingin, palihim akong sumusulyap sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito.
May gusto ba ako dun?
Anong katorpehan to?
Hindi ko alam kung pano magsisimula sa isang bagay.
Parang baby lang na bagong silang.
Ewan ko. Bahala na!!!
Tinanong na nga ako eh, one time nagmessage sakin sa fb, asking kung ilang daw ba ko or something?
Sabi ko hindi.
Hindi ko rin alam kung pano ipapaliwanag sa kanya eh.
Siguro better off na ganto nalang kami
Parang strangers. Mahirap na, baka mapaasa ko yung tao. Baka masaktan ko lang.
She’s like an angel for me, hindi siya dapat nasasaktan…
Matatapos na noon ang sem, parang wala lang.
Pinanindigan ko talaga.
Alam kong naiinis to sakin.
Madaming beses na alam kong gusto niya akong kausapin, pero syempre babae siya, nahihiyang gumawa ng first move..
“Mabuti pa sa lotto..
May pag-asang manalo...
Di tulad sayo..impossible...
Prinsesa ka..ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita...wala akong magagawa
Tanggap ko 'to aking sinta.. Pangarap lang kita...”
Minsan nung practice namin sa bahay nila,
Gago tong mga kaklase ko nagyayang mag-inuman.
Patay hindi ako umiinom. Uuwi nalang kaya ako.
Pero pinigilan nila ako.
Nakita ko siya, hindi rin umiinom. Pumasok nga sa room nya. Takot ma-op.
Inutusan nila akong tawagin siya kaysa magmukha akong ewan dun, tinawag ko na.
Pucha napilitan na rin akong shumot kasi gago tong mga kaklase ko sabihan ba naman akong bakla. Pero konti lang ininom ko. Pinagbigyan ko lang. Eh sa ayaw kong uminom eh.
Sus! Ang lalakas ng loob mga bagsak at tulog naman ang mga gago..
Nagliligpit na noon si Chary, tutulungan ko lang sana siya kaso ewan ko ba. Natukso ako nun.
Parang sinaniban ako ng dimonyo. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran.
Akala ko nga papalag eh, kung nagkataon patay ako nito.
Humarap naman siya at siya’y aking hinalikan.
damn! Ang sarap niyang humalik. Nagagawa niyang gantihan ang sarap na binibigay ko sa kanya.
Nag-iinit na ko kaya binuhat ko na.
Dinala sa kwarto nya at doon na.
May nangyari sa amin.
Ano kayang naiisip niya ngayon?
Siguro nga’y mahal na niya ako.
Ramdam ko ito.
Hindi nga siya tumutol pa.
Nagbihis nga kaming pareho at natulog ng magkatabi..
Noong Makita kong tulog na siya ay pinagmasdan kong mabuti ang kanyang maamong mukha.
F***! Bakit ko hinayaang mangyari ito?
Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Natural mag-eexpect ito.
Ginulo ko na ang buhay niya. Ang pangako ko noon sa aking sarili na hindi siya sasaktan, ngayon ako mismo ang gagawa.
Bigla akong natauhan. Umalis nalang ako agad. Walang paalam.
Hindi ko na siya hihintaying magising, wala akong mukhang ihaharap sa kanya.
:::::::
Kinabukasan, kabadong-kabado ako. Pinag-iisipan ko kung papasok pa ba ako?
Baka masampal lang ako. Buti nalang hindi yun nagmumura kasi baka masabon ako. Ay pota! May quiz nga pala kami. Shit! Papasok na nga lang ako..
Sa pagkamalas-malas nga naman. Late na nga, sa tabi niya pa ako pinaupo.
Gusto ko ngang makalayo sa kanya pero eto sa tabi ko.
Halatang galit. Ginago pa nga ako eh. First time nagmura.
Patay sa isip ko!
Nagpipigil lang to. Sino ba naman kasing hindi manggagalaiti sa isang tulad ko eh.
Ako tong lalaki pero parang ako pa yung babaeng pinagsamantalahan.
Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko…
Noong uwian, inutusan siya, sabi ko nun sa sarili ko hindi ko dapat hayaang maging ganito, may plano na akong kausapin siya noon pagkatapos ng klase.
Kami na nga lang ang naiwan. Bigla akong kinabahan, akmang lalabas na sana ng silid, (tatakas nalang( Lumapit sya sa akin at agad akong sinampal.
Ano pa bang i-eexpect mo?
Nagsimula na siyang magsalita.
Puno ng sama ng loob ang kanyang mga pahayag.
Lumuluha na rin siya ng mga panahong yun.
Ayoko ng nakikita ko!
Kasalanan ko ang lahat.
Sinaktan ko ang babaeng lubos na nagmamahal sa akin.
Ngayon sinong mas tangga sa amin?
Hindi ako tangga. Bobo ang tawag sa akin.
Ano ba to! Takot ako sa commitment.
Oo inaamin ko na.
Alam ko kasi sa sarili ko na hindi ako bagay sa kanya, matured na siyang mag-isip.
E ako? Naku! Badtrip!
Bakit ba kasi sakin na in love tong babaeng to?
Nagka leche leche na tuloy ang buhay niya..
Hindi ko pinlanong ma in love sa kahit kaninong babae hangga’t hindi pa ako matured mag-isip.Wala talaga akong nagawa…
Damn me!!!
Pansin ko ang kanyang mga pag-iwas.
Ilang araw at buwan ang lumipas, wala na.
Batid kong sinusubukan na niyang kumawala sa damdamin niya para sakin..
Bakit ganito?
Namimiss ko siya!
Bumabalik sa akin ang mga ala-ala niya.
The way na magpacute siya, mga palihim na sulyap, yung boses niya, yung ginawa namin noon, noong sabihin niyang mahal niya ako…
Darn! Nagsisisi na ako.
I realized, mahal ko na siya.
This time sigurado na ako.
Handa na ako.
Sana lang abutan ko pa siya.
Mamahalin ko siya ng totoo, papawiin ang sakit na idinulot ko noon sa kanya.
Aalagaan ko siya. Magpapakalalake na ako ngayon..
“Sayang bakit hindi kita niligawan
Ngayon ako'y nanghihinayang
Kasi naman tatanga-tanga pa ako noon
Walang humpay na paghintay sa hindi dumarating na pagkakataon..”
Papunta na ako sa bahay nila ngayon, sisiguraduhin kong mapapasakin na siya.
Hindi na siya iiyak pa…
“Lagi naman kitang nakakasama
Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa
Kahit na napakadali mong kausapin
Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring aminin..”
Ang bobo ko, ang dami kong pinalampas na panahon. Hindi ko namalayang napapaluha na ako nun.
Buti nalang walang taong naglalakad noong mga panahong iyon.
Para akong sira..
“Kakalipas lamang ng isang sem
Nung makita kita na mayroon ibang kasama
Magkahawak ang inyong mga kamay
Ang dibdib ko ay sumikip
Ang paglunok ko ay naipit
Aking napatunayan na nasa huli ang pagsisisi
Para bang gusto kong umiyak
Ngunit para saan pa wala namang magagawa…”
Dooooooooogsh!!!!
Parang gumuho ang mundo ko noong mga sandaling yun.
May kasama ka ng iba.
Ang saya nyong dalawa.
Siguro boyfriend mo na sya?
Oo, kasalanan ko.
Hindi ko nasabi.
Mahal na mahal kita pero huli na.
Hindi ko na kayo guguluhin, oras mo ng sumaya.
Puro sakit ang dinulot ko sayo.
Sayang, kung ipinaalam ko lang agad.
Sana ako ang kasama mo, ang hawak ng mga kamay mo, ang yakap mo, ang mahal mo..
“SAYANG!!!”