My first ever chapter story.. Sana magustuhan nyo po. Feel free to leave some comments/suggestions about this post. Thanks in advance sa mga magbabasa. :D
Chapter 1:
“Ma, alis na po ako ah? Malelate na po ako. Uuwi rin po ako bago maghapunan.”
“O sige anak. Ingat ka ha?”
Si Jazel, isang Mascom student sa isang sikat na unibersidad sa ating bansa. Hindi siya mayaman, ngunit hindi rin naman nagkukulang sa buhay at sa pagmamahal ng kanyang pamilya. Skolar sya rito at kilala sa kanyang likas na kabaitan at angking kagandahan.
Eto nga at nagmamadali na siya, may usapan sila ng kanyang mga kaklase upang gawin ang tambak tambak na research sa kanilang English subject na nakatakda ng ipasa kinabukasan.
“Jazel: hala! Nasan na sila? Naku! Mukhang umuwi na yata ang mga yun. Hindi na nila ako nahintay.”
Hindi naman ugaling mahuli ni Jazel sa mga ganitong usapan ngunit kinailangan niyang bantayan ang kanyang nakababatang kapatid dahil walang maaring maiwan sa kanilang bahay ng umalis ang kanyang mga magulang.
Napagpasyahan na lamang nyang tapusin mag-isa ang proyekto. Nagtungo siya sa Starbucks kung saan dapat sila magkikitang magkakaklase.
“hmmm, no choice na ako. Kailangan ko ng tapusin mag-isa ito. Waaah! Bakit ganon hindi ako maka connect sa internet?”
Makalipas ang ilang minuto, Napag-alaman niyang nagkaproblema ang wi-fi connection ng stablishment. Nagkataong narinig ng isang lalake ang kanyang problema at tinangkang mag-offer ng kanyang maitutulong.
“Miss, hello! I’m Jerwin. Narinig ko nga pala ang problema mo. Baka pwede akong makatulong?”
“hello din! Talaga? Matutulungan mo ako pero paano?”
“may dala naman akong Globe Tattoo Broadband dito. Ito, pwede mong gamitin.”
“naku salamat, ahmmm.. ano na nga ulit ang pangalan mo?”
“Ah, Jerwin nga pala. Eh Ikaw?”
“Ah, oo nakalimutan ko nga palang sabihin. I’m Jazel. By the way, mahilig ka rin pala sa cappuccino?”
“Ah, oo. Hilig namin ng tatay ko. Sige, pwede ka ng magsimula.”
Matapos ang isang oras ay natapos ang dalaga sa kanyang Gawain at nagpasalamat kay Jerwin.
“Ang bait mo naman. Salamat ha? Paano ba ako makakaganti sa kabaitan mo?”
“Agad na tumugon si Jerwin, come with me. Libre ko!”
“Wow! Ako pa ang ililibre eh ako na nga ang nakihiram?”
“Basta, I wanna know you more Jazel.”
Sa isip-isip noon ni Jazel ay mukhang mabait naman ang lalake. Hindi naman sya nito pag-aabalahang tulungan kung masamang tao lang ito.
“Pssst! Ano tara na! Wag kang mag-alala, harmless ako.”
“Sige tara na!”
“Ano san na tayo Jerwin?”
“Nood tayo ng sine. Balita ko maganda daw yung won’t last a day without you nila Sarah at Gerald eh. Ano payag ka ba?”
“Oo favorite ko kaya sila and in fact, I’m planning to watch. Wala lang kasama eh. Now is the perfect moment.”
Pagdating sa sinehan ay sobrang daming tao. Ang dalawa naman ay pumwesto sa may gitna bandang taas na upuan.
Enjoy na enjoy ang dalawa sa pinanonood habang pinagsasaluhan ang kanilang biniling popcorn.
“Haaay! Ang ganda naman nun. Kainggit naman sina Dj Heidee at Andrew.”
“Naks! Bakit Jazel, nagka love life ka na ba?”
“Hmmm, secret! Ikaw muna.”
“Aba at marunong ka ah.”
“Syempre naman!”
“Ano bang sa tingin mo sa akin?”
“Tingin ko marami na eh. Feeling ko, chickboy ka sa inyo at marami ka ng pinaiyak na babae.”
“ehem, ehem, ehem, grabe naman!”
“hahahahaha! Eh tignan mo? Nasamid ka nga jan eh. Baka it pertains na totoo?”
“Well, you gotta find that out. Teka, maaga pa naman, marunong ka bang kumanta? Videoke tayo!”
“Eyyy! Wag na no. Nakakahiya naman.”
“Tara na! That’s part of our date.”
“Date??? Date ka jan!”
“A friendly date. Bakit ano bang iniisip mo?”
“Wala. O sige na nga, kanta na tayo. Bilisan mo at baka magbago pa ang isip ko.”
Hindi naman gaanong marami ang tao kaya’t madali silang nakakuha ng room.
Pagpasok ay agad na kinantyawan ni Jerwin si Jazel na kumanta.
“Sige na mauna ka na. Ladys’ first.”
“Ano naming kakantahin ko? Duet nalang tayo. Ikaw nag-aya ditto eh at tsaka para fair.”
“Sige, ito nalang Please be careful with my heart. Favorite ko to.”
“Favorite mo nanaman? Weird ha? Ang dami nating pagkakahawig. Una dun sa favorite brand ng iniinom na kape tapos ngayon naman sa kanta.”
“Ewan. Baka destiny?”
Sabay tugtog ng kanta at nagsimula ng umawit si Jazel.
Batid ang kanyang magandang tinig na sadyang nagpatulala kay Jerwin.
Kung hindi pa sya kinurot ng dalaga ay hindi nya malalamang sya na ang sunod na kakanta.
Ang isa ay nasundan pa ng dalawa, tatlo, apat, at limang kanta.
Sadyang pangdalawahang mga awitin ang kanilang napiling kantahin.
“Jazel, ang galing galing mo naman. Eh talo mo pa jan sa boses mo si Sarah eh?”
“Tumigil ka nga. Ikaw rin naman eh. Kaya siguro ang dami mong nabobolang babae.”
“Totoo naman ang sinabi ko eh. Ang tulad ko, kailanman ay hindi nambola.”
Inabot ng tatlong oras ang kanilang pamamasyal, kwentuhan at pagkikilanlan.
“Naku Jerwin! Kailangan ko ng umuwi.”
“Oh maaga pa ah? Tsaka hindi ka ba muna sasabay sa akin na magdinner?”
“Gusto ko sana kaso kailangan makarating ako sa bahay bago maghapunan eh.”
“Ah, ganon ba? Sige naiintindihan ko.”
Akma ng aalis si Jazel ng maalala nyang hindi man lang nya nakuha ang # ng babae.
“Jazel wait!”
“Oh bakit?”
“ah,ah,eh, pwe-pwede ko bang makuha ang # mo?”
“Ngumiti ang dalaga at sinabing, “# mo nalang ang kukunin ko. Pag-iisipan ko kung gusto kitang itext.”
“Hindi ka ba nag-enjoy? Magkikita pa naman tayo ulit diba?”
“Nag-enjoy ako ng sobra. At yung tungkol sa pagkikita natin? Hmm, well tignan natin kapag napanaginipan kita mamayang gabi ibig sabihin makikipagkita ulit ako sayo.”
Wala ng nagawa si Jerwin sa kondisyon ng dalaga. Pagkabigay ng kanyang # ay naghiwalay na ang dalawa.
“Alam ko mapapanaginipan mo ako mamayang gabi. So, see you later.”
“Mr. Confident ah. Sige bye!”
Pag-uwi sa bahay:
“Oh anak! Tamang tama ang pagdating mo. Tara na’t kumain.”
Samantalang si Jerwin naman ay pauwi na at bigla nyang nakasalubong ang isa sa kanyang mga x.
Mabait itong si Jerwin ngunit likas na babaero. Sino ba namang aayaw sa lalakeng miztiso, matangkad, mayaman,Artistahin, at bokalista ng kanilang sikat na sikat na banda. Hindi siya nalalayo sa actor na si Richard Gutierrez kaya hindi na nakapagtataka kung bakit napaka raming naghahabol na babae sa kanya.
Ito si Faith. Dalawang lingo pa lamang noong magkahiwalay sila ni Jerwin dahil nalaman niya ang pagiging chickboy nito.
“Oy chickboy! Ang agad na bati ni Faith.”
Samantalang si Jerwin ay hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon.
“Oh Faith, ikaw pala yan. Ang sexy natin ah? Mag-isa ka yata? Hindi ka pa rin ba move on sa akin?”
“Malakas na sampal naman ang ganti ni Faith sa lalake. Ang kapal mo talaga no? Sabi na nga ba dapat hindi na kita pinag-aksayahan pa ng oras eh. Jan ka na nga?”
“Ang sungit mo naman! Naku natatandaan ko, pang 3rd day pala nyang period mo. Galing ko no? kabisado ko pa rin ang schedule nyang ano mo kahit hindi na tayo.”
“Namula ang babae at dali daling tumakbo sa kahihiyang inabot.
Samantala, hagikhikan naman ang maririnig mo mula sa mga nakarinig ng kanilang usapan.
“Anong tinatawa-tawa nyo jan? Tapos na ang shooting. Kita nyong umalis na ang kontrabida eh?”
Pag-uwi ni Jerwin ay agad agad nyang hinanap ang kanyang iPhone 4S.
Sana nagtext na sya ang sambit sa sarili. Sana!
Ngunit biglang sumimangot ng Makita nyang wala man lang ni isang text mula sa 69 messages na kanyang natangap.
Badtrip naman! Wala pa rin. Kanya na lamang nasambit sa sarili.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, ang mensahe ay nanggaling sa isang unknown number.
“Jerwin thank you kanina. I enjoyed your company. – Jazel”
Matapos nito ay sinubukan nya pang magpadala ng mga mensahe mula sa dalaga ngunit wala na syang natangap pa na textback mula rito.
Nakahanda naman ng matulog si Jazel ng kanyang maalala ang sinabi kay Jerwin, “Nag-enjoy ako ng sobra. At yung tungkol sa pagkikita natin? Hmm, well tignan natin kapag napanaginipan kita mamayang gabi ibig sabihin makikipagkita ulit ako sayo.”
Napangiti at hindi kalaunan ay nakatulog na rin…